advertisement
Kaya naman ang tanong na, “May isang libo ka?” ay nauwi sa isang ngiti na lang.
“Ewan ko sa inyo mga oportunista kayo, charot!” ang pabirong caption ni Lyka sa kanyang post.
At honestly, hindi rin naman natin masisisi si Lyka. Sa presyo ng bilihin ngayon, bawat ₱1,000 may naka-assign ng budget. At hindi nakatoka sa pagpapautang!
Pero siyempre, kung may extra at kaya naman, iba rin ang feeling ng makatulong sa kapwa. Ang kaso, kung sakto lang talaga ang budget, baka ang maipautang mo na lang ay ngiti at good vibes.
Malinaw naman na nagbibiro at nagpapasaya lang ang post niya. at nakikisabay lang siya sa trending na “Karylle method”, ‘yung may mga tanong o sitwasyong hindi mo kailangang sagutin o pagdesisyunan agad, kaya ngitian mo na lang.
Ikaw, YesPren? Kapag may nanghiram sa’yo ng ₱1,000, ipapahiram mo ba o Karylle method na lang din?
Lyka Barista, Madamot? Ayaw Magpautang!
Hindi naman daw kasama sa budget niya ang pagpapautang!
Sa isang Facebook post, pabirong ibinahagi ni Lyka ang video kung saan ginamitan niya ng tinatawag na “smile method” ang isang taong akala niya ay magpapabarya lang ng isang libo. Pero plot twist: hindi pala magpapabarya, manghihiram pala!
