Copyright ©2026 Yes FM
Lyka Barista, naghasik ng lagim gamit si “Judith”
Lyka Barista, naghasik ng lagim gamit si “Judith”
November 3, 2025

‘Di na lang multo, aswang, zombie, at iba pang nilalalang ang pasok sa category na “nakakatakot.” Minsan, mas nakakatakot pa nga ang mga bagay na araw-araw nating gustong iwasan, pero patuloy na nararanasan!

advertisement

Sinampolan tayo ni Lyka Barista dahil nitong Halloween, siya ay nag-transform! Mula DJ, siya ay naging si “Judith.” Sabi niya sa kaniyang Facebook post, “Ako si JUDITH na kinatatakutan ng marami, at [ako ay] nagpapaalala: Ang hindi marunong magbayad sa kasalukuyan ay madilim ang kinabukasan.” Oh, relate na siguro ‘yung mga nakatoka sa pagbayad ng kuryente bills diyan? Hahaha! Ayaw na ayaw talaga natin kapag dumating na ang due date, lalo na kapag sumabay pa sa petsa de peligro!

Bukod sa solid na performance ni Lyka Barista bilang “Judith,” siyempre, ‘di rin nagpahuli ang iba niyong YesPren DJs! Kung curious na kayo, abangan ang FULL VIDEO ng kanilang Halloween contest sa YouTube channel ng Yes! FM Manila!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...