advertisement
Salamat po sa lahat ng YesPren na patuloy na sumusuporta sa mumunting programa at istasyon po namin. MUMUNTING?! Eme! Basta, kung wala kayo, wala kami. Kung wala kami, wala rin kayo, DUH! Chariz lang!
Nag-share pa nga si Lyka sa page niya na habang sine-search niya raw ang Yes! FM Manila page, lumabas 'yung picture niya dati na nanalo rin siya ng award kaya feel niya raw ay sign ito na mananalo siya CMMA. True enough, nanalo nga siya! Magpakita rin kayo ng picture na namimigay siya ng pera para ma-manifest din natin 'yan! HAHAHA!
Parati naming ipinagdarasal at ginugustong mapasaya naman kayo sa pamamagitan ng aming iba't ibang programa on-air, online, at on ground! Kaya sana makarating naman sa kanya-kanya nating mga tahanan ang pahanda ng OVER na sa AWARD-WINNING RADIO DJ na si Lyka Barista! Hihintayin namin 'yan, ah!
Muli, salamat, mga YesPren sa inyong walang-sawang pakikinig, panonood, at pagsusubaybay sa Lyka Barista Moments at Yes! FM Manila! Here's to more awards and more money! Chos!
Lyka Barista, nanalo ng Best Entertainment Program sa 48th Catholic Mass Media Awards
CONGRATULATIONS, LYKA BARISTA!
Hindi pa talaga tapos ang awarding season ni Lyka Barista dahil nakakuha na naman siya ng panibagong pagkilala mula sa Catholic Mass Media Awards at ito ang Best Entertainment Program! Forda entertainer 'yan talaga siya!
