Copyright ©2026 Yes FM
Maine Mendoza, ipinagtanggol si Alden Richards matapos ang viral podcast
Maine Mendoza, ipinagtanggol si Alden Richards matapos ang viral podcast
August 21, 2025

Literal na "God gave me you to show me what's real" ang naging pag-alala ni Maine Mendoza sa kanilang naging pagsasama ni Alden Richards. Ang kanilang naging patok na Kalyeserye noon sa Eat Bulaga ang nagsilbing daan para magkakilala at "magka-inlove-an" sila. Ang naging pag-amin na ito ni Yaya Dub, naging bala ng fans para i-bash ang aktor.

“Na-inlove talaga ako kay Alden. Kahit sino magtanong sa akin. Sasagutin ko nang diretso. Na-inlove ako sa kaniya, pero hindi siya nanligaw. Walang gano'n. Alam din niya kasi very vocal ako sa lahat ng tao pati kay Alden mismo,” sabi ni Maine. Dagdag niya, sinabihan siya ni Alden na, "'Di ko puwedeng sabihin sa’yo kasi mawawala ’yung magic'."

advertisement

Sa isang post sa kaniyang X account, nilinaw ng aktres at host na hindi niya intensyong gumuwa ng issue sa pagsasabing na-fall siya sa dimples ni Alden. Eme! Chika niya, na-shookt siya nang mag-viral ang part na 'yon dahil halos isang dekada na nang magkaroon ng AlDub.

Ang goal daw ng podcast ay i-celebrate ang tagumpay ng Kalyeserye at ibahagi ang behind-the-scenes journey nila. Hindi raw dapat tanggalin si Alden sa eksena dahil malaking bahagi siya ng serye.

Dagdag pa ni Maine, "Ten years on, we can revisit and reflect on the good and the bad with a peaceful heart. I hope we can keep moving forward without nurturing hate—because what’s the point? What do we gain from hostility?"

Matatandaang tinanong din sa 'Fast Talk With Abunda' noong 2023 si Alden tungkol sa nararamdaman niya para sa noo'y ka-love team. Inamin niya ring nahulog ang loob niya kay Yaya Dub.

Bukod sa Kalyeserye, nagkaroon ng napakaraming proyekto ang Aldub, magmula sa mga product endorsement at acting project gaya ng “Destined to be Yours,” “My Bebe Love: #KiligPaMore,” “Imagine You and Me,” at “Love Is…”

Noong 2023, ikinasal si Maine kay Arjo Atayde.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...