Copyright ©2026 Yes FM
Maine Mendoza, ipinagtanggol si Arjo Atayde matapos masangkot sa flood control scandal
Maine Mendoza, ipinagtanggol si Arjo Atayde matapos masangkot sa flood control scandal
September 8, 2025

Kung dati, kaya pang palampasin ni Maine Mendoza ang paminsang pang-aasim ng ilang AlDub fans sa asawa niyang si Arjo Atayde, eh, iba na ‘to, YesPren! Nang madawit ang pangalan ng mister niya sa isyung kickback—galing mismo sa mag-asawang Sarah at Curlee Discaya, na top contractors sa mga flood control project ng gobyerno—agad-agad sumabog ang kanyang depensa.

Sa social media, diretsahang sinabi ni Maine na walang basehan ang mga paratang. Paalala pa niya, ‘wag na raw mandamay ng pamilya at tigilan na ang mga personal na atake habang walang malinaw na ebidensya. Aba, makikialam ka ba naman sa love team ng buhay niya, ‘di ba?

Dagdag pa ng noontime show host, tapat ang serbisyo ni Arjo sa kanyang distrito sa Quezon City mula umpisa. Kaya naman dasal niya, ‘yung totoong may sala lang ang maparusahan at sana raw, wag nang idamay ang mga inosente. “Napaka-unfair!” ang hirit ng aktres.

advertisement

S‘yempre, hindi rin nagpatumpik-tumpik si Arjo. Buong tapang niyang itinanggi ang lahat ng alegasyon at sinabing never niyang ginamit ang kanyang posisyon para sa sariling interes. Pormal pa niyang pinangako na gagamitin ang lahat ng legal na paraan para linisin ang kanyang pangalan.

Matatandaang noong 2022 unang sumabak si Arjo sa politika at ngayo’y representative ng 1st District ng QC.

Mala-teleserye na ang eksena, YesPren! Mag-asawang Atayde vs. Discaya na ang labanan! Sino kaya sa kanila ang paniniwalaan ng taumbayan?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...