Copyright ©2026 Yes FM
Maki, inakyat ng isang fan sa SarBay Fest stage!
Maki, inakyat ng isang fan sa SarBay Fest stage!
Maki, inakyat ng isang fan sa SarBay Fest stage!
May 28, 2025

Usap-usapan ngayon online ang nangyaring eksena sa Sarangani Bay Festival 2025. Sa kalagitnaan ng performance, biglang sumampa sa stage ang fan at humirit ng photo-op kay Maki. Kitang-kita sa video na medyo nataranta si Maki at agad na umatras papunta sa banda niya habang sinasabi ng paulit-ulit, “Baba ka ate!”


Sa kabila ng awkward na sitwasyon, pinagbigyan pa rin ni Maki ang fan ng mabilisang selfie. Sabi niya, “Sige na nga. Baba ka na. ‘Di ka naman Maloi eh.” Tinutukoy ng OPM singer si Maloi Ricalde, ang bida niya sa music video ng ‘Dilaw.’

advertisement


Pagkatapos ng insidente, maraming netizens ang nagpahayag ng concern online. May mga nagsabing hindi dapat inaakyat basta-basta ang stage at dapat irespeto ang personal space ng mga performer. “This happened twice na. Can we normalize being respectful to the artist na nagpeperform?” sabi ng isang netizen sa X.


Nagbigay rin ng pahayag si Maki matapos ang insidente sa kanyang official X account. Sabi niya,
“Hai, I’m ok! ☁️ As much as I want to hold your hands, take pictures, and create happy memories with all of you, we have to understand that there’s a right time for that! ☺️”


Marami ang humanga sa pagiging kalmado at propesyonal ni Maki sa sitwasyon. Pero paalala rin ito para sa lahat ng concertgoers na masaya ang live performances, pero mas masaya kung may respeto at boundaries.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...