advertisement
Comment ng isang netizen sa video, “Bawal ka talaga mang-judge ng tao. Ayos ka, parekoy! Puro mga kag*g*han lang ang alam mo dati, pero ngayon, nagbago ka na.” Haha! Akala niyo kasi puro kalokohan ang gawain ni Malupiton. Napa-”wow” kayo ngayon, ‘no?!
Malupiton, napahanga ang netizens dahil sa surprise performance niya sa ‘RAAA!’ concert
Kung solid na ang handog na performance nina Rob Deniel, Arthur Nery, Amiel Sol, at Adie sa kanilang concert, may isa pa silang mas solid na pasabog! Nitong nakaraang December 5, ginanap ang ‘RAAA!’ concert nila, at ‘di kumpleto ang gabi nang wala silang surprise sa kanilang fans.
Ikinagulat ng mga manonood nang lumabas si Malupiton sa stage para i-perform ang kaniyang rendition ng ‘Imahe’ ng Magnus Haven. Marami sa mga YesPren natin online ang natuwa dahil ‘di nila inaasahan na maganda pala ang boses niya! Kilala kasi si Malupiton sa mga skit niyang nakakatawa, at ‘di alam ng iba na una siyang sumikat dahil sa paggawa ng song covers.
