Copyright ©2026 Yes FM
Manny Pacquiao, nagbigay ng babala sa internet personality na nang-insulto kay Mommy D
Manny Pacquiao, nagbigay ng babala sa internet personality na nang-insulto kay Mommy D
February 5, 2026

Pangarap man ng marami na kahit minsan ay ma-landing-an sila ng kamao ng boxing icon na si Manny Pacquiao, ibang usapan siguro 'pag may halong galit, 'no? Hahaha! Mukhang ito kasi ang pupuntahan ng isang internet personality, eh! CHAROT! No to bayolins, YesPren!

Nag-iwan lang naman ng babala ang "Pambansang Kamao" nang magsalita siya tungkol sa pang-iinsulto raw ni Francis Leo Marcos kay Mommy Dionisia.

advertisement

Nagsimula ang init at tensyong ito nang tinarget ni Francis sa kaniyang public broadcast ang appearance ni Mommy D. Chika niya, "Bakit 'yung nanay ni Pacquiao, mas masahol pa sa baluga?" Agad nag-viral ang sinabi niyang ito dahil sa kawalan daw ng respeto niya sa nakatatanda.

Umabot ang clip sa dating senador. Kahit pa kilala siya sa pagiging mahinahon at kontrolado, hindi nagpapigil si Manny na magsalita. Sabi niya, "Ako, nag-control lang din ako. No'ng narinig ko 'yung pati Mama ko gaganyanin niya, as much as possible, ma-co-control ko sarili ko. Kung hindi, 'pag pamilya ko na ang masasangkot, tandaan mo 'yan. Huwag mo paabutin sa sukdulan na magagalit talaga ako, kasi 'pag ako nagalit talaga, maniwala ka sa'kin, 'di mo pa ako kilalang lubusan."

@senpainikko #manny #mannypacquiao #leomarcos ♬ original sound - Senpainikko

Bihira lang magsalita at magalit ang "Pambansang Kamao," pero talagang may diin. Isang paalala ito na kahit ang isang world-famous athlete, may limitasyon din ang pasensya.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...