Maliban kasi sa mura ito at masarap, gusto ni Maria Morena ’yung hinuhubaran niya muna bago kainin. Kayo lang naman kasi ang nag-iisip na hayok na hayok siyang sumubo! ’Yung tipong kahit saan at kahit walang hugas ay papalagan. Hoooy!
advertisement
Hindi kumpleto ang araw ni Maria Morena ’pag hindi siya nakakahawak at nakakakain ng malaki at matabang saging. Sa dami nga ng natikman niya, napansin niyang depende raw sa edad kung gaano katigas o kalambot ang saging. Sounds familiar ba? Eme!Sang-ayon ba kayo sa obserbasyon niya? ’Di bale, matigas man o malambot, siguradong sa tiyan niya rin naman ang bagsak n’yan! Ayaw kasi niya ng nag-aaksaya kaya kung may saging kayo riyan na ayaw niyo na, si Maria Morena na ang bahala!

