Mukhang nahanap na ni Maria Morena ang calling niya, as in, “Thank you for calling!” Hahaha!
Dahil may bago na namang nauusong voice acting challenge sa TikTok, nakakahiya naman kung hindi makikisabay ang mga DJ namin. Sa video na ito, pinasubukan namin sa paborito niyong mga YesPren ang iba’t ibang trabaho gamit ang kanilang on-air voice.
Si Ganda Wanda, naging cashier. Si Sexy Megan, naging barker. Si Rico Panyero, naging airport announcer. Si Lyka Barista, naging tindera, at si Maria Morena? Call center agent, pero bakit may paghubad ng jacket? Hahaha!
Mukhang na-unlock na natin ang secret kung paano maiwasan ang mga irate customer. Ikaw ba naman, pabebe ang bungad sa’yo, siguradong titigasan ka ng... kamao. EME! Kung mga dating radio DJ ang makakasalamuha mong empleyado, maka-keep up kaya ang energy mo? Panoorin ang full video sa aming YouTube channel!

