Copyright ©2026 Yes FM
Maria Morena, kamag-anak ni Kathryn Bernardo?!
Maria Morena, kamag-anak ni Kathryn Bernardo?!
May 28, 2026

Maria Bernardo is that you?!

“May kambal ka pala idol” - ito ang isa sa mga patok na comments ng netizens matapos mag-Facebook post ni Maria Morena kasama si Kathryn Bernardo mula sa isang TCL event na ginanap noong May 18.

advertisement

Sa unang tingin pa lang sa photo, marami ang aminadong napahinto at napatanong kung sino sa dalawa si Kathryn dahil sa kanilang parehong morena beauty, fresh look, at classy na aura sa event shot.

Sa comment section, sunod-sunod ang reactions ng netizens:

“May kambal ka pala idol”
“Parehas morena, parehas maganda!”
“Nalito ako sino ka jan Marse ☺️”
“Nalito ako kung sino si Kath sa inyo 😭”
“Siblings 😅”

May ilan ding netizens ang nagkomento na talagang nakakalito ang angle ng photo dahil parehong strong ang dating ng dalawa sa camera, kaya madaling mag-double take sa unang tingin.

Sa kabila ng kaguluhan sa comments, isa lang ang malinaw: good vibes ang hatid ng moment na ito, at parehong kinilala ng netizens ang natural na Morena Beauty nina Maria Morena at Kathryn Bernardo.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...