Copyright ©2026 Yes FM
Maria Morena, napa-age reveal dahil sa music taste niya!
Maria Morena, napa-age reveal dahil sa music taste niya!
May 20, 2026

“Party music nung bata pa ko…” — teka lang, Maria Morena, sure ka ba dyan? Anong year ka ba pinanganak at hindi namin naabutan ang playlist mo?!

Sa isang post ni Maria Morena flinex niya ang classic track na “If You Could Read My Mind” ni Jocelyn Enriquez, at from there, parang naging instant time machine ang kanyang post. Bigla na lang nagbalik ang lahat sa era ng disco lights, family reunions, at mga tito’t tita na todo sabog ang volume sa videoke nights.

advertisement

Habang ang karamihan ay naka-Spotify playlists at TikTok hits na ngayon, si Maria Morena ay mukhang certified throwback baby ng ‘90s party scene. Siguro may mga netizens na napa-“OMG alam ko ’to!” at may mga Gen Z na biglang napapa-Google kung sino si Jocelyn Enriquez.

Pero iba pa rin talaga ang tama ng old school party music. Yung kahit bigla mong marinig sa kung saan, automatic good vibes!

Ikaw, YesPren? Anong kanta ang instant “back in the day” feels para sa’yo?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...