Copyright ©2026 Yes FM
Maria Morena, ni-reveal ang sikreto niya para makarami ng travel!
Maria Morena, ni-reveal ang sikreto niya para makarami ng travel!
Maria Morena, ni-reveal ang sikreto niya para makarami ng travel!
June 17, 2026

Ikaw ba ay kaladkarin at anytime, anywhere basta “tara go” na sa travel? Kung oo ang sagot mo, aba’y may pa-inspiration si Maria Morena para sa’yo!

Sa isang Facebook post ni Maria Morena, matapos magbigay ng tila “travel motivation” para sa mga mahilig gumala, ayon sa kanya, darating daw ang panahon na imbes na “magkano?” ang tanong mo kapag may travel, magiging “saan? Saan kukuha ng pera?” na lang… sabay banat ng real talk. Ayun, biglang sabay kamot-ulo ang netizens!

advertisement

Pero sa totoo lang, kahit may patawa ang ending, may hugot pa rin ito para sa lahat ng nangangarap mag-travel. Kasi nga naman, hindi naman habang buhay ay pang-IG stories lang ang mga beach at bundok na pinapantasya natin. Kung may sipag, tiyaga, at konting diskarte, darating din ang araw na hindi na “wishlist” ang travel goals, kundi “booked na”!

Moral lesson? Huwag puro “sana all” sa comments, kundi magtrabaho nang maayos at mag-ipon! Malay mo, YesPren, next post mo na ay airport selfie na!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...