Tinatawagan namin ang mahigit 900K followers ni Maria Morena. Naging dahilan na ba siya ng tampuhan o away niyong mag-asawa? HUUUY!
Kung selosa ang misis niyo, malamang, hindi nakaligtas sa kanila ang pag-react at comment niyo sa mga post ng ating MILF. Naiintindihan naman namin kayo! Sino ba namang hindi mababaliw, este, maaaliw sa beauty, sexy, at sense of humor ng babaeng ’to?!
Buti na lang at may mga asawa ring understanding, gaya ng misis ng isang YesPren na buong tapang umamin sa chat tungkol sa paghanga niya. Sabi niya, ayos lang daw ito sa kanya kasi picture lang naman ang pinapantasyahan niya. Hmm...
Na-a-appreciate naman ni Maria Morena ang admiration ng kanyang fans, pero may paalala siya: maging loyal pa rin kay Misis! Kung ganyan kabait ang asawa, ’wag hayaang masira ang tiwala!
Kaya kung bibisitahin niyo man si Maria Morena, isama niyo si Misis para maipakilala niyo siya. Basta, walang mag-aaway pagkatapos, ha? ’Chos!

