Copyright ©2026 Yes FM
Maria Ozawa, ibinenta ang suot niyang pink na panty kay Boss Toyo
Maria Ozawa, ibinenta ang suot niyang pink na panty kay Boss Toyo
January 29, 2026

Teka! Bago mo ituloy ang pagbabasa, siguraduhin munang nasa wastong edad ka na! CHAROT! HAHAHA!

Nakakaloka naman kasi talaga ang latest episode ng 'Pinoy Pawnstars' na in-upload ni Boss Toyo sa kaniyang channel noong January 26. Sa vlog na ito, binisita siya ng kilalang Japanese sexy actress-model na si Maria Ozawa.

advertisement

Personal daw siyang rumampa sa lugar ni Boss Toyo at ng asawang si Mary Jhoy para magbenta ng isang "vintage" item na ilang beses niya na raw nagamit sa mga event.

Sa unang parte ng vlog, kinuwento pa ng adult content actress ang kaniyang naging karera rito sa bansa. Biniro naman siya ni Boss Toyo na napakarami niya raw lalaking Pinoy na "napatangkad." Chika pa ng vlogger, isa siya sa mga nagpantasya noon sa aktres. Na para bang wala ang asawa niya sa tabi niya! CHAROT! HAHAHA!

Kasunod nito, nagpunta si Maria sa cr para hubarin ang suot niyang panty. Ito kasi ang "vintage" item na ibebenta niya. Pagbalik niya sa studio, nagsimula na ang tuwaran, este, tawaran!

Sa halagang Php 150,000 unang binigay ni Maria ang kaniyang panty, pero hindi pumayag si Boss Toyo. Nakailang beses pa silang nagsagutan ng presyo hanggang sa nagsara sila sa halagang Php 20, 500 kasabay ng pagpirma ni Maria sa ibinenta.

Ipapa-frame daw ng kolektor ang panty at ibabandera sa loob ng 'Pinoy Pawnstars' museum.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...