advertisement
Isang follower ni Yan Yan ang nagtanong kung bakit at ang tanging sagot niya lang ay, "Bullying."
Wala namang iba pang detalye na ibinigay ang Kapuso star. Hindi niya rin pinangalanan kung sino ang binully diumano ng lalaki.
Iba iba ang reaksyon na nakuha niya sa post. Sabi ng isa, “Bullying is bullying. Pero, ang ginawa ni Marian Rivera, is also a form of bullying. She should’ve asked our authorities to help her find this person and file the appropriate complaints. Ganern yurn!” Pagtatanggol naman ng isang fan, “Napakabait ni Marian. Marami rin siyang foundation na tinutulungan. Sana ikaw rin ay tumulong, hindi lang puro chismis.”
Wala namang naging kasunod na post ang aktres tungkol dito.
Marian Rivera, humingi ng tulong online para mahanap ang isang bully?
Akala ba namin malamig na ang panahon 'pag BER months? Eh, bakit parang may nagpainit ng ulo ni Marian Rivera? Sa kaniya kasing Facebook page, humingi ng tulong ang Kapuso Primetime Queen para mahanap ang isang lalaki.
