Copyright ©2026 Yes FM
Marian Rivera, napagkamalang AI-generated content ang kanyang profile sa isang app!
Marian Rivera, napagkamalang AI-generated content ang kanyang profile sa isang app!
October 6, 2026

OHH DIBA?! Pati ba naman AI, hindi makapaniwala na totoong tao si Marian Rivera?! HAHAHAHA!

Usap-usapan ngayon ang shinare ni Marian tungkol sa kanyang profile sa isang app matapos itong ma-detect na AI-generated ang kanyang profile picture, eh totoo naman ‘yung larawan niya at walang halong AI, genes lang, no! HAHAHA!

advertisement

Mukhang napaisip din ang AI ng, “Wait lang… parang masyadong perfect. Baka generated ‘to?” Pati si AI, nalito na sa sobrang ganda ni Marian Rivera!

Sa sobrang flawless kasi ng mukha ni Marian, parang kapag pinasa mo sa AI image generator ang prompt na “Gorgeous, sweet, elegant, perfect features woman,” baka si Marian din ang ilabas! CHARIZ!

Ibinahagi ni Marian ang nangyari at ang naging reaction niya rito: “Whahahaha, kaloka!”

Kasi paano mo nga naman ipapaliwanag na hindi AI ang picture kung pati technology mismo nagduda na sa’yo?!

At kung tutuusin, hindi na rin naman bago ang mga ganitong eksena online dahil sa dami ng AI-generated photos na kumakalat ngayon. Pero ibang level kapag actual picture mo na nga ang napagkamalang gawa ng AI!

Ms. Marian, baka advanced lang talaga ang kagandahan mo! Kaya nagkamali si AI! HAHAHA!

YesPren? Ikaw din ba may chance na ma-detect na AI?!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...