advertisement
Depensa ni Marion Aunor, “Actually, ‘yung mga sinasabi nilang rage bait clip, those were uploaded na wala ‘yun [rage bait] sa mind namin. Like before, mayro’ng nag-trend–it was Ally for the “Englishera” clip and ‘yung golden retriever clip, but we were actually so accepting of everyone, and we were just having fun at the shoot. Once it’s uploaded on the Internet, doon nagkakaroon ng parang negative response.”
Ayan na ang katotohanan, mga YesPren. Masiyado raw kasi kayong nega kaya nadadamay sila. Hahaha! Chareng! Kung gusto niyo malaman ang iba pang chika ni Marion Aunor, panoorin niyo na ang full video sa HANGOVER PH YouTube channel! 
Marion Aunor, pinalagan ang issue na sinasadya niya raw ipahiya ang contestants ng ‘Pusuan o Laruan’
“Scripted, puno ng evil editing, at rage bait.” ‘Yan ang bumulagang issue kay Marion Aunor nang makasama natin siya sa latest episode ng HANGOVER PH! Pakiramdam kasi ng ibang netizens, sinasadya niya raw i-post ang “nakakapikon” na sagot ng contestants sa dating show niyang ‘Pusuan o Laruan’ para mag-viral lalo ang videos niya. Kaya naman, tinanong na natin nang diretsahan kung totoo ba na biktima ng “evil editing” sina “Golden Retriever Boy,” “Englishera Girl,” at iba pang sumasali sa ‘Pusuan o Laruan!’
