Copyright ©2026 Yes FM
Maris Racal at PBB Housemates, gumawa ng kantang pinamagatang ‘Awit ng Dalawa’
Maris Racal at PBB Housemates, gumawa ng kantang pinamagatang ‘Awit ng Dalawa’
June 17, 2025

Niyanig na naman ni Kuya ang housemates dahil sa Day 100 ng 'Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition,' mayro’n siyang pinagawang task kasama ang houseguest nilang si Maris Racal! Sa special task na ito, pinagsama-sama niya ang natitirang duos at si Maris para bumuo ng isang original song. Natapos nila ang task at nabuo nila ang kanta na pinamagatang ‘Awit ng Dalawa.’ Laman ng kanta ang naging journey nila sa loob ng Bahay ni Kuya.

advertisement

“Nakakatuwa lang kasi 'yung contribution ko sa bonding sa season namin ay music. Ngayon na bumalik ako after 11 years ay music ulit ang na-offer ko sa kanila,” sabi ni Maris. Matatandaan na una siyang sumikat dahil sa pagsali niya sa PBB: All In noong 2014. Hindi rin napigilan ni Maris na purihin ang kasalukuyang housemates: “Ang babait ng housemates. They are so emotionally aware and intelligent and I love them, I love their energy.”

Mapapakinggan ang ‘Awit ng Dalawa’ sa YouTube channel ng Pinoy Big Brother.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...