Copyright ©2026 Yes FM
Mark Carpio, may inamin tungkol sa kanta niyang ‘Hiling!’
Mark Carpio, may inamin tungkol sa kanta niyang ‘Hiling!’
September 13, 2025

Sa panibagong episode ng HANGOVER, nakasama natin ang gumawa ng isa sa mga kantang binibirit natin sa karaoke tuwing broken tayo! Nakachikahan natin si Mark Carpio tungkol sa kanta niyang ‘Hiling,’ at mayro’n siyang inamin tungkol sa pinagmulan nito. ‘Yung inaakala ng marami na heartbreak song ay may mas malalim pang meaning.

advertisement

Sabi niya, “When I was writing [Hiling,] I was simply writing down my conversation with God. It’s not [a] worship song, but it’s more of a conversation with Him na, “Bakit ba nangyayari sa’kin ‘to? Ako lang ba o siya rin?” ‘Di ba? Ayun ‘yun, eh.”

Awww! Parang mas nakakaiyak tuloy ‘yung kanta! ‘Di na lang ito tungkol sa hiwalayan niyo ng ex mo, kun’di tungkol na rin sa pagkapit kay Lord sa lowest moments niyo. Ganurnt! Kung gusto niyo mapanood ang full interview ni Mark Carpio, available na ‘to sa HANGOVER PH YouTube channel.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...