Copyright ©2026 Yes FM
Marketing expert, Dr. Karen De Asis, nagwagi ng dalawang international awards
Marketing expert, Dr. Karen De Asis, nagwagi ng dalawang international awards
Marketing expert, Dr. Karen De Asis, nagwagi ng dalawang international awards
June 29, 2026

Muling naghatid ng karangalan sa Pilipinas ang marketing at branding expert na si Dr. Karen De Asis matapos niyang masungkit ang dalawang prestigious na international awards mula sa World Marketing Congress at World Women Leadership Congress sa ginanap na awarding ceremony noong June 26 sa Dusit Thani Manila.

Hinirang si Dr. De Asis bilang isa sa "2026 Most Admired Marketing Leaders of the Philippines" bilang pagkilala sa kanyang natatanging galing sa brand management, customer-centric marketing, innovation, at corporate social responsibility. Bukod dito, nakuha rin niya ang "Philippines Woman Leaders Award" na nagbibigay-pugay naman sa mga kababaihang nagpapakita ng resilience, innovation, at transformative leadership.

Ang mga bagong parangal na ito ay dagdag sa kanyang super bongga at kahanga-hangang listahan ng mga pagkilala! Kabilang dito ang "2025 ASEAN Women Entrepreneurs Award" kung saan kinatawan niya ang Pilipinas, pati na ang mga naunang parangal sa kanyang husay sa marketing education at leadership.

Bilang founder ng MKS Marketing Consulting, mahigit isang dekada nang inilaan ni Dr. De Asis ang kanyang panahon sa pagtulong sa mga Filipino family-owned business para makabuo ng matitibay at nangungunang mga brand sa merkado. Naniniwala siya na ang mga matagumpay na kumpanyang Pilipino ay hindi lang nagpapasigla ng negosyo, kundi nagbibigay din ng stable na trabaho at mas magandang kabuhayan para sa libu-libong pamilyang Pilipino.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...