Copyright ©2026 Yes FM
Matet de Leon, naglabas ng galit sa isyu ng mana kay Nora Aunor: 'Wala akong pakialam kay Ian!'
Matet de Leon, naglabas ng galit sa isyu ng mana kay Nora Aunor: 'Wala akong pakialam kay Ian!'
Matet de Leon, naglabas ng galit sa isyu ng mana kay Nora Aunor: 'Wala akong pakialam kay Ian!'
June 23, 2026

MATET DE LEON, NAGALIT?!

Ramdam na ramdam ng mga netizens ang gigil ng aktres matapos nitong mag-rant tungkol sa walang-katapusang isyu ng mana at legacy ng kanyang namayapang ina na si National Artist, Nora Aunor.

Nagsimula ang lahat nang mag-post si Matet habang nag-li-lip sync sa sikat na kanta ng Yano na “Banal Na Aso, Santong Kabayo.” Siyempre, binihag agad nito ang pansin ng mga Marites! Isang netizen ang nag-comment at nakiusap na sana raw ay i-resolve na lang ang family drama privately.

Dito na tuluyang hindi nakapagpigil si Matet. Sabi niya, pagod na raw siya dahil habang nananahimik sila nina Lotlot, pilit pa ring nakikialam ang ibang tao. “Nananahimik kami. Mana nang mana. Nakakasuka naaaaaaa!” banat ng aktres at ang pinakamatindi sa lahat? Hayagan niyang isinulat na: “Wala akong pakialam kay ian.”

Uminit ang tensyon sa pamilya matapos magtayo si Ian de Leon ng One Person Corporation para sa legacy ni Ate Guy, bagay na itinanggi nina Matet at Lotlot na alam nila. Mukhang malabo pa ang batiang magkakapatid ngayon!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...