Copyright ©2026 Yes FM
MBC Talents, ilulunsad ang kauna-unahang Spotlight Awards 2026 sa November 19
MBC Talents, ilulunsad ang kauna-unahang Spotlight Awards 2026 sa November 19
November 6, 2026

BIGYAN NG SPOTLIGHT ‘YARN! Bibigyang-pugay ng MBC Talents, isang business unit ng MBC Media Group, ang mga natatanging DJ at content creator sa kauna-unahang MBC Talents Spotlight Awards 2026 na gaganapin sa November 19, 2026, mula 6:00 PM hanggang 8:00 PM!

Sa temang “Where Creators Shine,” magsasama-sama sa nasabing event ang mga DJ at content creator mula sa Love Radio, Yes FM, Easy Rock, at DZRH TV para kilalanin ang kanilang mga kontribusyon at tagumpay sa radyo, telebisyon, at iba't ibang digital platform.

Layunin ng Spotlight Awards na bigyang-pansin ang husay at dedikasyon ng mga personalidad na araw-araw na nagbibigay-aliw, naghahatid ng impormasyon, at nakikipag-ugnayan sa kanilang mga tagapakinig at online audience.

Kabilang sa mga kikilalanin ang mga talentong nagpakita ng mahusay na performance at growth sa radio at TV ratings, pati na rin sa social media platforms tulad ng Facebook, Instagram, TikTok, at sa podcast streaming.

Bukod sa pagbibigay ng parangal, magsisilbi rin ang event bilang isang thanksgiving celebration upang pasalamatan ang mga DJ at content creator sa kanilang sipag, dedikasyon, at mga naging kontribusyon sa buong taon.

Hindi rin ito magiging isang typical na awards night dahil bukod sa awarding ceremony, magkakaroon din ng masayang salu-salo kung saan maaaring mag-bonding, makinig sa musika, at ipagdiwang ng mga talento ang kanilang mga tagumpay kasama ang kanilang mga kasamahan. Sana may pa-lechon. CHARIZ!

Sa pamamagitan ng Spotlight Awards, hangad ng MBC Talents na simulan ang isang bagong tradisyon ng pagkilala sa mga personalidad at creator na patuloy na nagbibigay-buhay sa iba't ibang programa at digital content ng MBC Media Group.

Ang MBC Talents Spotlight Awards 2026 ay hatid sa tulong ng ating event partners:

La Vie Hotel

Chameleon Bar

Bingo Plus

Spotify

Coca-Cola

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...