Copyright ©2026 Yes FM
Mga anak ni Zeinab Harake na sina Bia at Lucas, legally adopted na ni Bobby Ray Parks!
Mga anak ni Zeinab Harake na sina Bia at Lucas, legally adopted na ni Bobby Ray Parks!
November 5, 2026

Oh diba?! Ang dating heart broken ngayon ay pinaulanan ng blessings! Grabe ang plot twist sa buhay nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks! Hindi lang happy wife ang peg, happy family na rin sila!

Masayang ibinahagi ni Zeinab sa kaniyang latest vlog na tapos na ang legal adoption process ni Bobby Ray para sa kaniyang dalawang anak na sina Lucas at Bia. Ipinakita rin niya ang pagpunta nila sa National Authority for Child Care (NACC) kasama ang mga bata para i-celebrate ang malaking balita na ito!

advertisement

Ayon kay Zeinab, isa ito sa pinakamahalagang content na nagawa niya simula noong 2019. Matagal na raw niyang wini-wish na magkaroon silang pamilya ng magkakaparehong apelyido sa kanilang birth certificates. Hindi na raw materyal na bagay ang gusto niya sa buhay kun’di ang makumpleto ang pangarap niyang ito para sa kanilang pamilya. GANON! Samantalang ang karamihan, materyal na bagay pa rin ang wish lalo na ngayong Pasko! HAHAHA CHAR!

Pero teka lang, YesPren! Hindi lang congratulations ang reaksyon at kumento ng netizens! Siyempre bunot na naman ng netizens ang dating karelasyon ni Zeinab na si Skusta Clee. May nag-comment pa ng, “Skusta Clee New Song: Dugo at Laman,” habang ang iba naman ay nagsabing “laking sampal kay skusta buhay at nakikita niya sarili nyang anak hindi siya kinikilala pati sa apilyedo, More blessings PARKS family”.

Pero siyempre, mas marami rin ang natuwa at bumati sa kanilang pamilya. Tulad ng kumento ng netizen na ito “Just watched, grabe na luha ako pag ring ng bell. Congratulations Park Family.”

Minsan talaga, hindi lahat ng heartbreak ay katapusan na ng mundo mo. May mga plot twist palang mas maganda na naghihintay sa’yo! At sa kuwento nina Zeinab, hindi lang bagong apelyido ang dumating kun’di isang pamilyang piniling buuin at panindigan. Kaya cheers sa bagong chapter ng Parks Family! DESERVE NA DESERVE!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...