Copyright ©2026 Yes FM
Mga bus na may mukha ng Yes! FM Manila DJs, makikita na sa kalsada
Mga bus na may mukha ng Yes! FM Manila DJs, makikita na sa kalsada
January 5, 2026

Handa na ba kayo sa unang pasabog namin ngayong taon? Hahaha! Kung napapansin mo na parang mas masaya ang biyahe lately, baka dahil nakikita mo na ang magaganda’t guwapong mukha ng Yes! FM Manila DJs!

Nitong January 3, spotted na ang mga bus ng YesPren DJs niyo. Isa sa mga nakita sa kalsada ay ang bus ad na tampok si DJ Biboy Bibo. Na para bang may-ari ng bus line ang atake namin?! Charot! Siyempre, minabuti namin na ‘di lang on-air at online ang bonding natin. Bilang bida-bida, makakasabay niyo na rin kami sa araw-araw na biyahe papasok sa trabaho, pauwi ng bahay, o kahit ano pang gala niyo! Clingy ‘yern?

advertisement

Oh, abangan niyo na kung sino-sinong Yes! FM Manila DJs ang makikita niyo sa biyahe! Ang makapag-send ng kumpletong picture ay magkakaroon daw ng magandang 2026! Hahaha!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...