Copyright ©2026 Yes FM
Mga DJ ng Yes! FM, may action figure na?!
Mga DJ ng Yes! FM, may action figure na?!
September 7, 2025

Nasa Google Gemini na ba ang lahat?

Nitong mga nakaraang araw, napuno ang feed at stories natin ng kani-kaniyang AI-generated custom action figure—na para bang required at may deadline of submission. Hahaha! Parang hindi naman kayo ganyan ka-attentive ’pag may pinapagawa sa eskwelahan o trabaho!



Kung nagtataka kayo kung bakit Biyernes na ng gabi nang mag-upload kami ng sa’min, eh, nag-photoshoot pa talaga kami para rito. Naniniwala kasi kami sa kasabihang, “’Di bale nang late, basta maganda/guwapo.” ’Wag niyo nang tanungin kung sinong nagsabi niyan (kasi kami rin ’yan). ’Chos!

Marami tuloy ang interesadong bumili ng mga action figure na ’to kung sakaling ibebenta. Ang sa’min lang, pwede naman. Presyong kaibigan, basta walang sisihan ’pag narinig niyong umuungol, este, tumatawa o umiiyak sa madaling araw. EME!

advertisement

Kaninong action figure ang pinakanagustuhan niyo, YesPren?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...