Nayanig ang mga marites sa thank you message ni Willie Revillame kay Coco Martin nang pasalamatan niya pati si Julia Montes at ang kanila raw na "mga anak!"
Noong July 14, nagbukas muli ang programa ni Willie Revillame na ‘Wil To Win’ sa TV5. Maraming celebrity ang bumati sa kanyang pagbabalik sa telebisyon at isa na rito si Coco Martin. Kaya naman nagpasalamat si Willie sa magagandang sinabi ng aktor.
“Thank you very much, Tanggol! Thank you Coco sa pagbati mo.” sabi ni Kuya Wil. But wait there’s more! “Coco, to Julia, at sa mga anak n’yo, pamilya niyo, salamat Coco," dagdag pa niya. Ang isda talaga, nahuhuli sa sariling bibig, 'no? EMIH!
Matagal nang usap-usapan na may mga anak na sina Coco at Julia pero walang kumpirmasyon dito ang dalawa. Silence means yes? KIMMYY!!!
True the fire nga bang may anak na sina Julia at Coco gaya ng sabi ni Kuya Wil? Anong say niyo rito mga YesPren?

