Bumaha ng panawagang lumantad sa publiko ang Kapuso Comedy Genius na si Michael V. Hindi dahil may kinasasangkutan siyang ghost project, kundi dahil papasa raw siyang ka-look-alike ng kontrobersyal na contractor ngayon na si Sarah Discaya.
Narinig naman ng komedyante ang mga komentong ito. Kaya sa isang nakakalokang paandar, inilabas sa Facebook page ng 'Bubble Gang' ang isang teaser video kung saan nakatalikod si Michael V habang suot ang kaparehong OOTD ng contractor nang humarap ito sa Senado.
"Hindi pa tapos ang hearing," 'yan ang pasabog na caption ng post. Agad namang napa-comment ang ilang fans ng longest running comedy show sa bansa. "Ayan na. The King of Parody" at "Grabe likod pa lang. Hahaha!" ang ilan sa mga nakakatawang sabi nila.
May patikim din si Paolo Contis sa magiging impersonation ni Bitoy sa pamamagitan ng isang selfie na pinost niya sa kaniyang Instagram story.

Mapapanood ang episode na ito sa September 14, mga YesPren! Seated na ba kayo? Kasi kami, g na with popcorn pa!