Copyright ©2026 Yes FM
Mika Salamanca at Will Ashley, magjowa na nga ba?
Mika Salamanca at Will Ashley, magjowa na nga ba?
January 27, 2026

Isa ka ba sa mga kinikilig sa WillCa at MikBrent noong PBB days nila? Well, mali raw kayo ng sinu-support, YesPren! Sabi kasi sa mga chikang naglalabasan ngayon, parang may shift na naganap! Ang say? Sina Will Ashley at Mika Salamanca a.k.a Team Kolorum raw ang nagwagi! HAHAHA!

advertisement

Nagsimula ang mga chismis na ito nang kumalat ang mga picture ng dalawa na magkasamang nagbakasyon sa Hong Kong. Pangunguna ng mga Marites, baka raw nandoon ang dalawa para mag-date. Kitang-kita nga raw ang sweetness nila sa pictures. Over naman sa issue! Kayo talaga!

Kinumpirma naman ng parehong panig ang naging Hong Kong trip, pero ang say, hindi raw exclusive ang bakasyon para sa kanila lang. May mga kasama raw silang kaibigan. Chika pa ng manager ni Mika sa isang interview, "Since PBB Collab, Mika and Will have been good friends. Nothing romantic or anything."

Isang 'di matukoy na netizen ang nag-upload ng mga pic sa Reddit na ngayon ay burado na.

Ginatungan pa ni Ogie Diaz ang issue at sinabi sa kaniyang vlog na may nakarating daw sa kaniya na totoo ngang in a relationship sina Will at Mika. Banat ni Ogie, "Ayan! Hindi po ako ang nag-confirm. Mayroon lang akong nakausap."

Wala pang tugon ang mga panig sa sinabi ni Mama Ogs, pero matatandaan na vocal si Will na crush niya si Mika noong nasa loob pa sila ng bahay ni Kuya!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...