Copyright ©2026 Yes FM
Mika Salamanca, may bagong hugot sa kantang 'Kasalanan!'
Mika Salamanca, may bagong hugot sa kantang 'Kasalanan!'
January 30, 2026

Matapos ang ilang buwang pagkapanalo ni Mika Salamanca bilang Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, heto’t may bago na naman siyang sorpresa. Opisyal nang inanunsyo ng vlogger-turned-singer ang kanyang latest single na pinamagatang “Kasalanan” sa ilalim ng Star Music.

Sa kanyang Instagram post, nag-share si Mika ng teaser photo na tila pa-mysterious at puno nang emosyon. Dahil sa kanyang hashtag at broken chain na emoji, marami na agad ang nag-aabang kung tungkol ba ito sa paglaya sa isang relasyon o pag-amin sa isang pagkakamali.

advertisement

Ilalabas niya ito sa lahat ng music streaming platforms sa February 6 pagpatak ng 12 MN! Magkakaroon din muna siya ng live performance sa It’s Showtime sa mismong araw ng release! Matatandaang nag-viral din ang debut song niyang 'Sino Nga Ba Siya' at ang collab nila ni Brent Manalo, kaya siguradong pasabog na naman itong bago niyang kanta!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...