Copyright ©2026 Yes FM
 Mimiyuuuh, may compliment kay Anne Curtis na "clean money girl", kampo ni Heart Evangelista sumagot!
Mimiyuuuh, may compliment kay Anne Curtis na "clean money girl", kampo ni Heart Evangelista sumagot!
July 14, 2026

Isang simpleng compliment, nauwi sa mainit na usapan online!

Nag-viral sina Mimiyuuuh at Esnyr matapos nilang ikuwento sa isang vlog kung gaano ka-humble at down-to-earth si Anne Curtis sa kabila ng kanyang tagumpay. Habang nagkukuwentuhan, sinabi ni Mimiyuuuh na si Anne talaga ang "clean money girl," habang nag-agree naman dito si Esnyr at sinabing ang narating ng aktres ay bunga ng matagal na pagsisikap at hard work.

advertisement

Pero imbes na puro heart reactions ang makuha, nagkaroon ito ng ibang kahulugan sa social media.

Nag-react si Resty Rosell, ang longtime personal assistant ni Heart Evangelista, at kinuwestyon kung ano ang basehan ng paggamit ng salitang "clean money." Nagkomento rin siya na hindi naman na kailangang magpasikat at pabirong sinabi kung kailangan pa bang maglabas ng financial statements para mapatunayan kung saan nanggaling ang yaman ng isang tao.

Mabilis na kumalat ang screenshots ng kanyang komento at agad itong pinagdiskusyunan ng netizens. May mga nagsabing simpleng papuri lang talaga iyon para kay Anne at wala namang pinatatamaan. Pero may iba ring naniniwalang puwedeng ma-misinterpret ang naturang termino, lalo na't kamakailan lang ay naging usap-usapan din online ang lifestyle at yaman ni Heart Evangelista.

Hanggang ngayon, wala pang opisyal na mensahe sina Mimiyuuuh, Anne Curtis, at Heart Evangelista tungkol dito. Simpleng compliment nga lang ba ang "clean money girl," o may talagang patama ang mga ito, YesPren?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...