advertisement
Give na give naman talaga ang Ate ng grupo sa paggabay sa kaniyang juniors! Kung keri maging professional ng bagets ng MNL48, sana ‘yung katrabaho niyo ring gurang na, keri niya! Hahaha! Panoorin niyo na ang buong video sa HANGOVER YouTube channel para sabay-sabay tayong makasali sa chikahan ni Sexy Megan at ng MNL48.
MLN48, nagsalita na tungkol sa naging away nilang magkakagrupo
Atake ang panibagong episode ng HANGOVER dahil may ungkatan ng magulong past! ‘Di nakaligtas ang MNL48 members na sina Andi, Max, Maj, at Angel sa pang-ho-hotseat ni Sexy Megan sa kanila. Nabanggit niya na mayro’n daw alitan ang dating members ng MNL48 na nakarating sa social media! Over naman sa publicize?! Hahaha! Ngayon, tanong ng Chasers, paano nga ba papatunayan ng bagong members ng MNL48 na ‘di na mauulit ang kaguluhang iyon?
Sagot dito ni Andi, “Tinuturuan po namin ang lahat, lalo na kaming ‘Senpais,’ na we have an image to maintain. Let’s be professionals. Let’s not [involve] personal personal problems [in] our work. So, if you have problems, fix it together and don’t spread it outside. Handle it maturely.” Dagdag pa rito ni Maj, “Ginabayan po [nila] kami kasi nga po mas experienced na po sila. Alam na po nila kung anong gagawin.”
