advertisement
Ramdam ang mainit na pagtanggap sa banda dahil napuno ang concert venue ng kanilang fans, ang mga Moonstarero. Hindi nga lang concert ang dinayo nila, kun’di ang iba ring activities tulad ng photobooth, dedication wall, at busking. Soafer bongga ng mga ganap, at siyempre, libre ‘yan lahat!
Bago magsimula ang set ng Moonstar88, may nagkaroon muna ng opening performance ang OPM bands na Hey June! at Better Days. Intro naman ng Moonstar88 ang kantang ‘Parola’ na parte ng kanilang latest album na ‘LOURDES 2088.’
Sinundan ito ng popular hits nila tulad ng ‘Migraine,’ ‘Sulat,’ at ‘Panalangin,’ at marami pang iba. Nagkaroon pa ng surprise performance si Alexa Ilacad sa set ng ‘Gilid.’ Natapos naman ang gabi sa orchestral rendition ng ‘Torete,’ ang hit single mula sa kanilang debut album na ‘Popcorn’ noong 2001.
Nang tanungin ang banda kung sino nga ba ang pinaka-relate sa kantang Torete, agad nilang tinuro ang kanilang bokalistang si Maysh Baay. Sabi ni Herbert Bautista, ang lead guitarist, “Si Maysh. Well, for me, si Maysh ang pinakatorete kasi siya ang pinakapihikan.” Biro naman ni Bon Sundiang, ang drummer, “Gusto lang namin tawagin ‘yung presence ni.. [partner ni Maysh]. ‘Di, joke lang!”
Agree naman si Maysh sa sinabi ni Herbert! Sabi niya, “I would say yes! This is the longest relationship we’ve ever had in our lives. We’ve been together for 21 years, so nakita rin talaga nila ‘yung heartaches na pinagdaanan ko, ‘yung dumadating ako sa gig na wasak na wasak ako, heartbroken ako! So, I think ako nga ‘yon.”
Grabe! Mukhang marami ang makaka-relate sa hugot na ‘yan. Haha! Kayo ba, mga YesPren? Natorete na ba kayo dahil sa pagmamahal?
