Copyright ©2026 Yes FM
My Intimate Love and Fantasies ni Maria Morena, may YouTube series na!
My Intimate Love and Fantasies ni Maria Morena, may YouTube series na!
April 25, 2026

Mas pinasarap at mas pinainit na MILF ay narito na!

Kung SOLID YesPren kayo, alam niyong may programa si Maria Morena na My Intimate Love and Fantasies tuwing oras niya! Dito niya binabasa ang pinakamaiinit at pinakakontrobersyal na mga kuwentong pantasya ng iba't ibang YesPren natin!

advertisement

Ngayon nama'y binigyang buhay na ang mga liham na ito! Ginawan na natin ng MILF: The Microseries ang mga kuwentong ito! Ganyan 'yung mga bet niyo diba? Kilala namin mga pag-uugali niyo! HAHAHA! Ang magsinungaling magkakabalat talaga sa puwet!

Kaya naman panoorin niyo na 'yan sa official Youtube Channel ng Yes! FM Manila! Bidang-bida riyan ang MILF Kween herself, Maria Morena, siyempre! At ang ready na ready na for mature roles, si Biboy Bibo! Enjoy niya 'yarn? Hahaha!

Sinusundan nito ang karakter na si Maya kung saan may nakilala siyang kaharutan sa isang online dating app, pero nang sila ay magkita, may nangyaring hinding-hindi niya inasahan.

PANOORIN ANG BUONG VIDEO RITO:

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...