Copyright ©2026 Yes FM
Nagbabalik ang The Red Jumpsuit Apparatus! Deluxe Edition ng 'X's For Eyes,' lalabas na sa March
Nagbabalik ang The Red Jumpsuit Apparatus! Deluxe Edition ng 'X's For Eyes,' lalabas na sa March
February 6, 2026

Handa na ba kayong bumalik sa emo days? Ang 5X Platinum alternative rock legends na The Red Jumpsuit Apparatus (RJA) ay nag-announce na ng deluxe edition ng kanilang pang-anim na album, ang 'X's For Eyes,' na lalabas na sa March 6 via Better Noise Music.

advertisement

Kasabay nito, inilabas din nila ang bagong track at music video na 'Angels Cry.' Ayon kay frontman Ronnie Winter, tungkol ito sa hirap ng heartbreak noong teenage years pa. ’Yung akala mo, katapusan na ng mundo. Ang bagong album ay punong-puno nang energy, may halong electronic vibes, at mga SOLID na collaboration kasama sina Kellin Quinn (Sleeping With Sirens) at Craig Mabbitt (Escape The Fate).

Para sa Pinoy fans, ito na ang magandang balita: Pupunta sila rito sa Pilipinas ngayong Mayo! Magkakaroon sila ng concert sa Manila sa May 8 at sa Cebu naman, May 9. Huwag palampasin ang pagkakataong mapanood silang live at mag-jam sa mga bagong kanta at classic hits! Ilabas ang mga pinlantsang bangs! Hahaha!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...