Copyright ©2026 Yes FM
Neneng B, Soon-to-be mommy na!
Neneng B, Soon-to-be mommy na!
August 20, 2026

May panibagong chapter ngayon sa buhay ng viral street food vendor at social media personality na si Neneng B matapos niyang i-share sa kaniyang social media ang isang post tungkol sa kaniyang pagbubuntis.

Sa kaniyang post, sinabi ni Neneng B na may “bagong chapter sa buhay” at isang “munting biyaya” na unti-unting bumubuo ng panibagong kuwento. Tinawag din niya ang sarili bilang “Soon-to-be Mommy Neneng B.”

advertisement

Agad namang nag-react ang mga netizen sa kaniyang announcement. May ilan pang nagbiro at nagbigay ng bagong tawag sa kanya, “From Neneng B to Mama B!”

May nag-comment din ng, “Ikaw na ang sasabihan ng ‘Ma, anong ulam.’ Congrats Neneng B!”

Nakilala si Neneng B sa pagtitinda ng street food at syempre, sa tumatak niyang “Ma, anong ulam?” Naka-relate ang marami sa linyang ito! Pero ayon kay Neneng B, hindi lang naman basta tanong ’yan, reminder din daw sa mga kabataan na tumulong-tulong sa bahay at ’wag puro asa kay Mama!

Ngayon, panibagong role naman ang tila nakalaan para sa kaniya, ang pagiging isang mommy.

Wala pa siyang ibinahaging detalye tungkol sa kaniyang due date o iba pang impormasyon tungkol sa kaniyang magiging anak. Sa ngayon, ang malinaw ay ang kaniyang announcement na soon-to-be mommy na siya.

Mula “Ma, anong ulam?” hanggang “Mommy Neneng B,” ibang chapter na talaga ’to! Congrats, Neneng B!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...