advertisement
Matatandaan na sinabi noon ni Zeinab na hindi puwedeng magdala ng cellphone ang kaniyang guests: “Hoy, ang laki ng gastos namin sa wedding. Sa mga invited, talagang bawal ang cellphone. Sumunod kayo, please lang! Utang na loob, basahin niyo maigi: no cellphone, no posting. Ibigay niyo na sa amin, and promise, ’yun lang ang best gift na ma-re-receive namin galing sa inyo.” Nag-post pa siya ng status na “Your wedding, your rules” dahil maraming netizens ang umalma sa kaniyang request. Sabi ng iba ay sobra naman daw sa kaartehan si Zeinab at ayaw niya na maunahan siyang mag-post. Sabi naman ng iba ay kani-kaniyang trip lang daw ‘yan.
Pumalo na ng 1.7 million reacts ang profile picture ni Zeinab na may caption na “Mrs. Parks” at nasa 262K reacts naman ang profile picture ni Ray na may caption na “Mr. Parks” dahil sa suporta ng kanilang fans.

