Copyright ©2026 Yes FM
Ogie Diaz, may ambag daw sa lipunan bukod sa mga showbiz chismis
Ogie Diaz, may ambag daw sa lipunan bukod sa mga showbiz chismis
Ogie Diaz, may ambag daw sa lipunan bukod sa mga showbiz chismis
May 16, 2024

Naglitanya ang mima natin sa mga showbiz chika dahil sa mga bashers niyang hindi mapirme kaka-request ng dapat niyang i-topic sa kanyang page!

Sa isang Facebook status ni Ogie Diaz noong May 13, hindi niya napigilang i-address once and for all ang issue sa kanya ng bashers niyang makukulit. Ayon sa kanya, marami raw sa kanila ang nagtataka kung bakit hindi niya dini-discuss ang mga issue na gusto nilang pag-usapan.

advertisement

"Day, kayo nakaisip, kayo ang gumawa!," sabi ni Ogie.

TInira niya rin ang mala-troll na behavior ng bashers dahil "sariwa" pa raw ang mga account na 'to at parang ginawa talaga para mang-bash.

Sa bandang dulo ng status ay ni-redeem niya ang kanyang sarili at shinare na bukod sa pagiging number one source natin sa chismis, eh, may puso siyang ginto dahil sa kanyang mga tinutulungang charities.

"Itanong n'yo sa Kasusuo Foundation at sa Dugong Alay Dugtong Buhay, at Childhaus Foundation kung ano ang ambag ko," sabi niya.

Pasabog, 'di ba? Sabi nga nila, never judge the book by its cover! Umaambag siya sa atin ng mga juicy showbiz chismis, pero mas marami pa rin ang kanyang inaambag pabalik sa lipunan at sa communities na malapit sa puso ni Ogie Diaz.

Mabuhay ka, YesPren!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...