advertisement
“Nagkakagulo na sa Senado. Nagkabarilan pa nga,” sabi ni Mama Ogie, na agad ding naging usap-usapan ng netizens online.
Napatanong din siya kung para pa ba talaga sa tao ang mga nangyayari o kung mas inuuna na lang ng mga senador ang sarili nilang interes at mga partido.
“Para sa bayan pa ba ang ginagawa ng mga nasa Senado o para sa mga ipinaglalaban nilang mga kaalyado?” diretsahan niyang tanong.
At dahil mukhang hindi na rin kinakaya ng bangs ni Mama Ogie ang gulo, nanawagan na rin siya kay President Bongbong Marcos na sana ay emeksena na at mamagitan sa mga kampo sa Senado.
“Nakakahiya na tayo sa ibang bansa. Juice ko, Mahal na Pangulo, baka pwede ka nang pumasok sa eksena,” dagdag pa niya.
Dahil dito, kanya-kanyang reaksyon at kumento na naman ang netizens!Kayo ba, YesPren? May point ba si Mama Ogie o mas lalo lang iinit ang usapan?

