advertisement
Siyempre, dahil ‘yan ang pulso ng fans, ibinukas na natin ang topic na ‘yan sa panibagong episode ng HANGOVER nitong October 30! Tanong natin sa Over October, “Paano malalaman ng fans niyo na tama ang desisyon nilang maging idol kayo?” Over sa hirap ang tanong, ‘di ba? Hahaha!
Diretsahang sinagot naman ito ni Josh Buizon, ang bokalista ng banda. Sabi niya, “I think at the end of the day, we’re all imperfect people. I can’t say that we’re the right band to stan. But then, all I know is that for us individuals, we are trying to be the best people that we can be.”
Solid talaga ang mala-Miss Universe na sagutan ng Over October! Kung nabitin pa kayo sa chismis, panoorin niyo na ang full interview sa YouTube channe ng HANGOVER PH! 
Over October, may mga tinatagong issue nga ba?!
“Sana ‘di kayo problematic!” ‘Yan ang hiling ng mga “Octobear,” ang fans ng sikat na OPM band ngayon na Over October. Maraming sikreto na kasi ang lumantad matapos magspluk ng issue ang YesPren natin online tungkol sa iba’t ibang OPM bands. Nandiyan ang chika ng bad attitude, pagsusungit, pangit na pakikitungo sa staff, at iba pang mas sensitibong balita.
