Copyright ©2026 Yes FM
Pagbagsak ni Carlos Yulo sa Asian Games, “KARMA RAW?!”
Pagbagsak ni Carlos Yulo sa Asian Games, “KARMA RAW?!”
September 22, 2026

Carlos Yulo, hindi maganda ang naging performance sa kanyang unang attempt sa vault sa 2026 Asian Games. “KARMA ‘YAN!” ang hirit agad ng netizens!

Sa unang vault attempt ni Carlos, hindi naging maayos ang landing niya at bumagsak siya. Pero hindi siya nagpatalo sa nangyari, bumawi siya sa second attempt at pasok pa rin sa vault finals matapos makakuha ng 13.649 average.

advertisement

Pero ang mas pinag-usapan online? ‘Yung mga comments ng netizens! Dahil sa mga issue na umiikot ngayon sa pamilya Yulo, may ilan na nagbiro ng “Deserve po!” at “Buti nga sa’yo!” matapos makita ang pagkadapa ni Carlos. May iba pa ngang todo-comment at todo-react sa social media, tulad ng “Children honor your parents.”

Alam naman ng lahat ang naging issue nito sa kanyang Mama na si Angelica Yulo, at tila hindi raw ito iimbitahan sa kanilang kasal ni Chloe. ARAY!

Pero teka lang! Kahit may sablay sa vault, nakabawi naman si Carlos at pasok pa rin siya sa finals ng floor exercise, vault, parallel bars, at team event. At sa floor exercise, siya pa nga ang nanguna sa qualification round with 14.600 points.

Grabe naman kayo sa karma, netizens! Na-fall lang eh. ‘Yung iba nga diyan, na-fall sa may asawa, hindi kinarma? HUYY! Mali!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...