Copyright ©2026 Yes FM
Pagkawala ni Jopay Paguia sa SexBomb Concert, may kinalaman nga ba kay Rochelle Pangilinan?
Pagkawala ni Jopay Paguia sa SexBomb Concert, may kinalaman nga ba kay Rochelle Pangilinan?
Pagkawala ni Jopay Paguia sa SexBomb Concert, may kinalaman nga ba kay Rochelle Pangilinan?
May 7, 2026

MAY TAMPUHAN NGA BA ANG MGA BES?!

Usap-usapan ngayon ng mga Yespren ang umano’y “away” raw ng original SexBomb Girls na sina Jopay Paguia at Rochelle Pangilinan matapos mapansing absent si Jopay sa “Get Get Aw Concert: The Finale” noong April 30.

advertisement

Napag-usapan ang isyu sa YouTube channel ni Ogie Diaz kung saan ibinahagi niyang may nasagap daw siyang hindi pagkakaunawaan umano sa pagitan ng dalawa.

Pero ayon sa asawa ni Jopay na si Joshua Zamora, hindi raw nakapag-rehearse ang dating SexBomb member dahil sa injury at health issues kaya minabuting magpahinga para sa paghahanda sa world tour.

Matatandaang naglabas din ng official statement ang talent management ni Jopay at nilinaw na health concerns ang dahilan ng kanyang absence sa concert.

Sa ngayon, wala pang kumpirmadong pahayag sina Rochelle at Jopay tungkol sa kumakalat na isyu online.

Kayo mga Yespren… feeling niyo ba may tampuhan talaga o simpleng health issue lang ito?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...