Copyright ©2026 Yes FM
Paolo at Miguel Benjamin ng Ben&Ben, may plano nga bang maging solo artists?
Paolo at Miguel Benjamin ng Ben&Ben, may plano nga bang maging solo artists?
September 12, 2025

Ano ang paborito niyong kanta ng Ben&Ben, mga YesPren? Eh, paano kung hindi na sila gumawa ng bagong kanta at mag-solo na lang ng career, keri ba? 'Yan ang "what if" na sinagot nina Paolo at Miguel Benjamin sa episode ng 'Fast Talk With Boy Abunda' noong September 10.

"I think it's possible, but nag-evolve na rin po, Tito Boy, 'yung definition ng solo ngayon," sabi ni Paolo. Puwede naman daw kasing mag-release sila ng sari-sariling kanta, pero stay strong pa rin ang banda, chika niya.

advertisement

Bilang kambal, literal na hindi raw naghiwalay ang dalawa hanggang sa ikasal si Miguel noong 2023.

Mananatiling magkakasama daw ang Ben&Ben. Sa katunayan, ang mga bokalista nga ng banda ang pinakabagong coaches sa paparating na 'The Voice Kids Philippines.' "Benkada" raw ang magiging pangalan ng bubuuin nilang team.

Naloka kayo, 'no? Hindi totoo ang mga chismis ng paghihiwalay na 'yan ng banda. Baka mauna pa kayong mag-break kaysa sa kanila! Charot! Hahaha!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...