Copyright ©2026 Yes FM
Paolo Contis, nagpaparamdam sa sexy pics ng iba't ibang babae sa Instagram?
Paolo Contis, nagpaparamdam sa sexy pics ng iba't ibang babae sa Instagram?
April 9, 2026

Kapapasok pa lang ng April, pero parang Halloween na raw kung magparamdam si Paolo Contis sa mga babae sa Instagram, mga YesPren!

Kumakalat kasi ngayon sa social media ang ilang post sa Threads ng mga kababaihan na hina-heart react daw ng artista ang mga sexy o bikini pics nila.

advertisement

Nagsimula ito sa isang babae. Chika niya pa, "[Heart] gusto, ako ayaw.... [ayaw] maging [kabit!] Marami ang nagsabi na tila edited daw ito, bagay na binangga naman agad ng babaeng nag-post.

Sinundan ito ng isa pang babaeng may resibo rin ng pag-re-react ni Paolo sa kaniyang bikini pic.

Napasabi na lang ang naunang nag-post ng, "ATTENDANCE CHECK PO SA LAHAT."

Kung matatandaan, na-link ang komedyante sa aktres na si Arra San Agustin matapos ang balitang nag-break na sila ni Yen Santos.

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...