Copyright ©2026 Yes FM
Philip Salvador, kinakalampag ng netizens na ipagtanggol naman ang anak na si Josh!
Philip Salvador, kinakalampag ng netizens na ipagtanggol naman ang anak na si Josh!
October 15, 2026

O, NASAN NA ANG TATAY?! Netizens, nananawagan na kay aktor Philip Salvador, na para bang nawawala?! CHAR!

Usap-usapan ngayon, YesPren, ang pagkalat ng isang video clip mula sa podcast na “Machong Chismisan” kung saan pinagtawanan si Josh. Lalo pang dumami ang bashers matapos siyang ikumpara sa nakababatang kapatid na si Bimb at tawaging “walang kwenta.” AY, GRABE NAMAN 'YON!

advertisement

Dahil dito, sunod-sunod ang reaksyon ng netizens na hindi nagustuhan ang ginawang pangungutya kay Josh. Para sa marami, hindi biro ang ganitong klase ng pananalita, lalo na kung maaari itong makasakit at manghamak ng isang taong may kapansanan.

Siyempre, may panawagan din ang netizens kay Philip Salvador. Hello? Gising-gising! Pakigalaw na po ang baso at ipagtanggol mo naman ang anak mo! May ilan pang nagsabi na gampanan niya ang papel niya bilang ama at ipakita ang suporta kay Josh sa gitna ng isyu.

AYAN NA NGA! Marami ang umaasang hindi na lang mananahimik ang aktor habang pinag-uusapan at pinagtatawanan ang kanyang anak online. Pero sa ngayon, ano kaya ang magiging sagot ni Philip sa eksenang ito?

Tandaan, YesPren, puwedeng magbiro, pero hindi kailangang may tapakang pagkatao para lang magpatawa. RESPETO NAMAN!

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...