Copyright ©2026 Yes FM
"Pitik Queen" na sa Ian Mark, may pakiusap sa bashers ni Nikko Natividad matapos ang 'Hawak Mo Ang Beat' collab
"Pitik Queen" na sa Ian Mark, may pakiusap sa bashers ni Nikko Natividad matapos ang 'Hawak Mo Ang Beat' collab
April 7, 2026

Kung may premyo lang ang paghahanap kung sino ang may hawak ng beat, baka isa na si Nikko Natividad sa posibleng makapagturo nito.

Viral na kasi ngayon ang collab nila ng "Pitik Queen" na si Ian Mark Kamangkang. Sa video, makikitang hindi nagpapatalo ang dalawa sa kani-kaniya nilang pagpitik sa kanta.

advertisement

Marami ang naaliw sa content na ito, pero dahil hindi agad maka-move on ang mga Marites, hindi pa rin naiwasan ang mga komento tungkol sa latest issue ng dating Hashtag member.

Chika ng isa, "Baka [ma-frog style] kami. Go [lang,] Nikko!" Habang sabi naman ng isa ay, "Tapos [na ba 'yung] issue nito? Sino may hawak ng video [ni] Nikko?'

Sumagot naman si Ian sa comment section at sinabing, "Hi everyone, kindness doesn’t cost anything. Please be mindful of your comments. One mistake doesn’t define a person. Thank you!"

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...