advertisement
Mga Zumba warriors, ready na ba ang mga tuhod at bewang niyo?! Dahil magpapawis muna tayo bago magpakawala ng boses! At pagkatapos, SINGING CONTEST naman! Ihanda ang boses at lakasan ang loob dahil baka ikaw na ang susunod na FiYESta singing sensation!
Pero teka lang, hindi pa diyan nagtatapos ang SOLID na kasiyahan! May LIBRENG CONCERT tayo kasama ang Shamrock, Route XYZ, at Leyo! Kaya ihanda na ang sarili para sa matinding rakrakan.
At dahil ayaw naming umuwi kayong bitin, may RAFFLE, PALARO, AT MGA PAPREMYO rin! Malay mo, pumunta ka lang para mag-Zumba o makikanta, pero uuwi kang may dala! EDI WOW!
Kaya kita-kits sa October 17, 2026 sa Sto. Cristo Covered Court, Bago Bantay, Quezon City!
Isama ang tropa, pamilya, kapitbahay, ka-work, ka-MU… basta isama ang lahat, huwag lang ang taong ayaw mong makita! HAHAHA!
Magbalagbagan tayo sa Bago Bantay! PARA SA PINAKA-SOLID NA FIYESTA, YESPREN!
Quezon City, mag-ingay! Oras na para mag-FiYESta
Dahil hindi pa rin kami tapos mamigay ng SOLID NA SAYA, magbalagbagan naman tayo sa Bago Bantay, Quezon City! Mas maraming ganap, mas maraming tawanan, at siyempre, mas maraming pagkakataong umuwi na may papremyo!
Hindi rin mawawala ang Shopper’s Bazaar para sa ating mga YesPren na mahilig maghanap ng bagong budol! Paminsan, ito ang mga bagay na gusto niyo kahit hindi kailangan! HAHAHA.
