Copyright ©2026 Yes FM
Raquel Pempengco, pumalag sa mga nakasulat sa libro ni Jake Zyrus
Raquel Pempengco, pumalag sa mga nakasulat sa libro ni Jake Zyrus
March 3, 2025

Trigger Warning: Ang balitang ito ay may sensitibong nilalaman tungkol sa sexual abuse. Mag-ingat sa pagbabasa.


Taong 2018 pa nang ilabas ng singer-songwriter na si Jake Zyrus ang kaniyang librong 'I Am Jake,' pero muli itong pinag-usapan online. Ito ay matapos i-post ni Xian Gaza sa Facebook ang ilang context ng libro kung saan inilahad ni Jake ang pang-aabusong pinagdaanan diumano sa kamay ng sariling kapamilya. "Ambigat naman sa dibdib," 'yan ang sabi ng Pambansang Marites sa post.

advertisement


Rebelasyon pa ng singer, hindi lamang isang beses nangyari ito. Bagay na isinumbong ng musmos pa noon na si Charice Pempengco sa kaniyang inang si Raquel. Ang nakakaloka, hindi raw siya pinaniwalaan ng ina. Kasama rin sa libro ang diumano’y paglustay ni Raquel sa perang pinaghirapan ng anak.


Agad at muli namang bumuwelta si Raquel Pempengco sa rebelasyong ito. "Fake news at hindi updated" daw ang librong ito. Baka raw ikagulat pa ng mga ito kapag siya na ang naglabas ng kaniyang kuwento. Sabi pa niya sa isang hiwalay na post, “Peace of mind pa rin ang pipiliin ko kesa patulan ko ang mga walang kwentang tao at mga walang utang na loob. Sila na magdadala ng lahat.” Dagdag pa niya, sanay na raw siyang tawaging "Evil Queen" at tanggap na masama siya palagi sa kuwento ng iba.

Ang pinagtataka ngayon ng ating mga YesPren, walang imik si Raquel tungkol sa pinagdaanang sexual abuse ng sariling anak. Matatandaang noong September 2018, sinabi rin ni Raquel ang mga katagang “Baliw lang ang bibili ng libro na ‘yan, dahil baliw ang nagsulat.”

Ilang taon na ang bangayang ito, YesPren! Magkakaayos pa kaya ang mag-ina?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...