Copyright ©2026 Yes FM
Rhian Ramos, proud na proud sa BFF niyang si Michelle Dee!
Rhian Ramos, proud na proud sa BFF niyang si Michelle Dee!
Rhian Ramos, proud na proud sa BFF niyang si Michelle Dee!
November 21, 2023

So, ‘eto na nga ang latest chika, mga Bes! S’yempre wala nang mas hihigit pa sa suporta ng isang tunay na kaibigan! Alam niyo naman, mga Bes, kapag Pinoy, todo support ‘yan pagdating sa coronation night ng Miss Universe! ‘Yung tipong kaya nating itigil lahat ng gawain natin para lang makasigaw sa kapitbahay! ‘Yun ang tinatawag na full support, Bes! HAHAHA! Same, Bes Rhian! Hindi rin namin napigilan ang aming sarili kung hindi umiyak no’ng makita namin kung gaano kagaling si Miss Universe 2023 Top 10 finalist, Michelle Dee!

View this post on Instagram

A post shared by Rhian Ramos (@whianwamos)



Mixed emotions naman ang naramdaman ng aktres na si Rhian Ramos no’ng nakita niyang rumampa ang kanyang “wifey” sa entablado. Napaiyak nga ito noong nakita niya ang kanyang kaibigan na suot ang Apo Whang-Od inspired black evening gown! Ang bongga ‘di ba! Nakita rin si Rhian na tumatalon sa excitement habang hinihintay niyang matawag si Michelle Dee as Top 10 finalist.

advertisement


Ayon sa aktres, "My face when you came out in the gown. You're perfect, Michelle!" Awww, ‘yan ang tunay na kaibigan! Todo support! Kaya kung ako sa inyo, Bes, hanap ka na ng kaibigan na parang si Rhian! ‘Yung kayang umiyak at tumalon at the same time kapag may victory kang nakakamit! Gano’rn!


Maalalang may ganitong eksena rin si Rhian Ramos nang manalo si Michelle Dee as Miss Universe Philippines 2023 noong May sa Mall of Asia Arena. Kasama niya rin dito ang kaniyang dalawang besties na si Max Collins at Janina Manipol.


Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...