Copyright ©2026 Yes FM
Rico Blanco, ayaw nang makatrabaho ni Paolo Valenciano?!
Rico Blanco, ayaw nang makatrabaho ni Paolo Valenciano?!
December 9, 2025

Kung akala niyo na puro "give love" lang ang mayroon tuwing December ay nagkakamali kayo, mga YesPren! Dahil unang linggo pa lang ng buwan na ito, may isang relasyon na agad ang naputol. KIMI!

Noong December 6, naganap ang isang music fest sa Pasig kung saan kasama ang Cup of Joe at si Rico Blanco sa mga performer. Direktor ng event na ito ang anak ni Gary Valenciano na si Paolo Valenciano. Kinabukasan, ginulantang ng direktor ang social media nang humingi ito ng pasensya dahil sa aberyang nangyari sa show.

advertisement

Sa chika ni Direk, may last-minute changes daw sa lineup at logistics kaya na-delay ang concert ng dalawang oras. Pasabog pa niya, kinailangan pa raw sunduin ng motor ang Cup of Joe para lang umabot sila sa bagong schedule.

Ang nakakaloka sa post ni Direk ay nang sabihin niyang, "To Rico, my hero, while I sincerely wish you best, I've learned that we're simply not meant to work together again. 🙏"

Wala pang sagot ang kampo ni Rico Blanco tungkol dito, pero ang chismis ngayon, nagulat daw ang team ng singer nang mag-post si Paolo nang ganito.

Ano kaya ang totoo sa likod ng kaganapang ito?

Other Trends
Now Playing!
101.1 Yes FM Manila
Loading...